Posibleng magmula sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette ang panibagong bugso ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang pangamba ni National Task Force Against COVID-19 special Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa sa gitna ng sabay na pagtugonng gobyerno sa pandemya at pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.
Ayon kay Herbosa, dapat bantayang maigi ang sitwasyon sa Visayas at Mindanao, partikular sa mga lugar na labis na hinagupit ng kalamidad.