Tiniyak ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Emilio Jun Abaya na mananagot sa batas ang mga taong nasa likod ng laglag bala modus na nambibiktima ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Abaya, bagamat maliit aniya ang bilang nga mga reklamo, tiniyak nito na aaksyunan ito ng mga kinauukulan.
Ipinaalala ni Abaya na ang pagtatanmim ng bala ay labag sa batas at may katapat na parusahang pagkakakulong.
Nanindigan naman si PNP Aviation Security Group Director Francisco Balagtas na obiligado ang Pambansang Pulisya na sampahan ng kaso ang mga mahuhulihan ng bala, sa kabila ng posibilidad na itinanim lamang ang naturang mga bala.
Bilang soslusyon naman sa problema, plano ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Angel Honrado na maglagay ng mga monitor sa pasukan at labasan paliparan at maraming signages na nagbibigay impormasyon sa kung ano ang mga bawal dalhin sa airport.
Sinabi ni Honrado na kakulangan ng impormasyon ang unang dahilan kaya’t marami ang nahuhulihan ng mga ipinagbabawal na bagay gaya ng bala sa paliparan.
By Ralph Obina