Aabot sa 350 toneladang relief goods at essential supplies ang inihatid ng BRP Tarlac ng Philippine Navy sa Visayas at Mindanao sa kanilang paglalayag kaninang umaga.
Ayon kay Phililippine Navy Spokesman, Commander Benjo Negranza, nagmula ang nasabing tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) gayundin mula sa pribadong sektor.
Lulan din ng BRP Tarlac ang 150 toneladang kagamitan tulad ng AFP Mobile Kitchen, Military Water trucks, mga trak mula sa MERALCO at Maynilad gayundin ang mga Bank on Wheels.
Sakay ng BRP Tarlac ang nasa 200 contingent ng Marine Amphibious Ready Unit ng 9th Marine Battalion na siyang magsasagawa ng Humanitarian and Disaster Relief Operations sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)