Aaprubahang 2022 National Budget ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakahalagang 20 bilyon pesos, maaari umanong magamit ng gobyerno pang-tulong sa mga nasalanta ng super typhoon Odette.
Sinabi ni Senate Committee On Finance Chairman Senator Sonny Angara, matutulungan nito ang mga nawalan ng bahay at hanap-buhay dahil sa bagyo.
Bukod dito, kung may savings ang mga ahensya ng gobyerno maaari itong ilipat ng Pangulong Duterte para sa relief at rehabilitation effort o para sa calamity response.
Giit ni Senator Angara ang power to realign savings ng pangulo ay constitutional at ginagawa sa mga sitwasyon tulad ng pagtugon sa kalamidad. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Joana Luna