Pumalo na sa 177 ang naiulat na nasawi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Odette subalit nilinaw nito na nasa 11 pa lamang ang kumpirmadong kaso.
Nananatili sa 275 ang bilang ng mga nasugatan habang nasa 38 naman ang nawawala subalit kinakailangan pa rin itong isailalim sa masusing beripikasyon.
Nabatid na nagmula ang nabanggit na bilang sa mga lugar ng Palawan, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Bohol, Bukidnon at Misamis Oriental.
Samantala, aabot naman sa 109,601 pamilya o katumbas ng 446,939 indibidwal ang inilikas at ngayo’y pansamantalang nanunuluyan sa may 2,505 evacuation centers.
Mayruon namang 13,144 kabahayan ang bahagyang napinsala at nasa 2,474 ang winasak ng bagyo.
Sa ngayon, pumalo na sa mahigit P323 milyono ang iniwang pinsala ng bagyo sa agrikultura habang nasa mahigit P227 milyong ang iniwan sa imprastraktura.