Nasa anim na raang turista naang nakauwi na sa kanilang mga luga matapos ma-istranded sa Siargao Island dahil sa bagyong Odette.
Ayon kay Surigao Del Norte 1st District Representative Francisco “Bingo” Matugas II, mahigit 1,000 turista ang na-istranded sa Siargao matapos tumama ang malakas na bagyo.
Sinabi ni Matugas, ang mga turistang nais makauwi ay kailangan lamang pumunta sa airport para magpalista dahil sa scheduled flights sa isla.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa mga airline companies para sa repatriation flights.
Aniya, ipaprayoridad nila na ma-irepatriate ang mga persons with disabilities, senior citizen at mga magulang na may batang kasama.