Pinabibilisan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Electric Cooperatives ang pag-restore ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon kay ERC Commissioner Rexie Baldo-Digal, kanila ring ipinag-utos na huwag magpatupad ng agarang disconnection sa mga kustomer na hindi makakapagbayad sa itinakdang panahon.
Samantala, dahil sa pagbagsak ng sangkaterbang planta sa Luzon ay tumaas ang presyo nito sa spot market na magpapataas ng singil sa mga konsyumer.
Sinabi ni Engr. Rhea Caguete, tagapagsalita ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP), na mararamdaman ang taas singil sa Enero ng susunod na taon.
Kabilang aniya sa dahilan sa pagtaas ng presyo ay ang nawalang importasyon ng kuryente sa Visayas na dulot ng bagyong Odette.