Nakatakdang magbigay ng 10M ayuda ang Quezon City LGUs sa 5th at 6th class Municipalities na pinaka naapektuhan ng bagyong Odette sa tulong ng Regional Office ng DILG.
Kabilang sa mga lugar na mabibigyan ng ayuda ay ang 10 munisipalidad kabilang na ang Anahawan, Hinundayan, Libagon, Padre Burgos, Pintuyan, San Francisco, San Juan, San Ricardo, Tomas Oppus, at Limasawa sa Southern Leyte.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Quezon City, ito ay isa sa mga paraan upang makatulong sa mga nangangailangan lalot papalapit narin ang pasko.
Nauna nang ipinasa ng QC Disaster Risk Reduction and Management Council ang Resolution no. 4 na nag-aapruba sa naturang pondo mula sa DRRM fund kung saan, bukod pa ito sa P100M pondo mula sa ipon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na una nang napagkasunduan ng Metro Manila Mayors. —sa panulat ni Angelica Doctolero