Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na posibleng abutin pa ng linggo bago tuluyang maayos ang mga sirang tulay matapos manalasa ang bagyong odette sa visayas at mindanao.
Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa mahigit P227M ang naitalang halaga ng nasira sa imprastraktura dahil kay bagyong Odette.
Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, patuloy silang nagsasagawa ng operasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo kabilang na ang Palawan, Siargao, Dinagat Islands, Southern Leyte, at Negros Occidental.
Sa ngayon na sa 90% ng national road at highway sa mga lugar na sinalanta ng bagyo ang madaraanan na. —sa panulat ni Angelica Doctolero