Muling bubuksan sa publiko ng Manila LGUs ang Manila Zoo kasabay ng pagdiriwang ng “araw ng kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal” (Rizal Day) sa December 30.
Ayon sa mahalaang lokal ng maynila, unang bibisita sa ikakasang “soft opening” ng Manila Zoo ay ang 1,300 construction workers na nabigyan ng vip treatment upang makapamasyal kasama ang kani-kanilang pamilya.
Nabatid na ang naturang mga manggagawa ang mismong nag-ayos sa Manila Zoo kaya dapat umanong mabigyan ang mga ito ng premium upang masilayan ang ganda at bagong atraksiyon sa lungsod. —sa panulat ni Angelica Doctolero