Isinailalim Sa State Of Calamity ang Misamis Oriental na nasasakupang ng Northern Mindanao.
Dismayado ang ilang mga residente ng Barangay Sta. Ana sapagkat wala pa umano silang natatanggap na tulong matapos wasakin ng bagyong Odette ang kanilang mga bahay.
Naputol rin ang isang tulay na nagsisilbing daanan papasok at palabas ng mga mangangalakal sa kanilang lugar.
Sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Region X or RDRRMC, pinaka maraming tinamaan ng bagyong Odette sa Misamis Oriental, apat ang naiulat na nasawi at maraming pananim ang nawasak. —sa panulat ni Mara Valle