Binatikos ng World Health Organization (WHO) ang mga anito’y mayayamang bansang nagkasa na ng booster shots.
Iginiit ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang nasabing hakbang ay patunay nang hindi pa ring pantay na pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19 ng maraming bansa.
Naiiwan aniya ang mga mahihirap na bansa sa kanilang vaccination program dahil ang mga bakunang dapat ibigay sa mga ito ay nagagamit na ng mga mayayamang bansa sa kanilang booster shots o ikatlong dose ng COVID-19 vaccines.
Binigyang diin ng WHO Chief na nasa kalahati lamang ng member states nila ang 40% pa lamang ng populasyon ang nabakunahan. —sa panulat ni Airiam Sancho