Pumalo na sa 258 ang naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Odette.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang kabuuang datos mula sa naitalang namatay sa lalawigan ng Palawan, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Negros Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental at Oriental, Butuan City at Agusan Del Sur.
Bukod dito, umabot na sa 566 ang bilang ng sugatan at nasa 47 ang napaulat na nawawala.
Paliwanag ng NDRRMC 11 pa lang sa naitalang bilang ang kumpirmadong nasawi.
Sa ngayon tinutukoy pa ng ahensiya kung may kinalaman ang bagyo sa pagkamatay ng mga indibidwal na kabilang sa mga naitalang nasawi.—sa panulat ni Joana Luna