Nasa 992,629 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 ng pamahalaan sa second-round ng Bayanihan, Bakunahan kahapon, December 22.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Dr. Kezia Lorraine Rosario, nakaapekto ang bagyong Odette sa mababang bilang ng mga nabakunahang indibidwal.
Huli rin aniyang nakapagsumite ng datos ang mga lgu’s matapos mawalan ng internet signal ang ilang mga lugar.
Ani Dr. Rosario, umabot na sa 6,446,022 ang kabuuang bakunang naiturok sa mamamayang Pilipino simula December 15 hanggang 22.
Pumalo naman sa 48,000 ang nabigyan ng booster shot, inaasahan aniyang lalo pang tataas ang bilang ng mga nababakunahan gayung pinaiksi ang interval ng buwan sa pagbibigay ng booster shot. —sa panulat ni Joana Luna