Mahigpit na minomonitor ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar at tindahan na nagbebenta ng paputok.
Ito ay para maiwasan ang ibat-ibang uri ng insidente sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon sa PNP, ipinagbabawal parin ng kanilang ahensya ang pagbebenta ng mga paputok kabilang na ang:
- Watusi
- Piccolo
- Poppop
- Five-star
- Pla-pla
- Lolo thunder
- Giant bawang
- Giant whistle bomb
- Atomic bomb
- Super lolo
- Atomic triangle
- Goodbye bading
- Large size Judas belt
- Goodbye Philippines
- Goodbye de lima
- Bin laden
- Hello columbia
- Goodbye napoles
- Mother rockets
- Coke-in-can
- Super Yolanda
- Pillbox
- Boga
- Kwitis
- Kabasi
Bukod pa diyan, hindi rin umano pinapayagan ang mga sobrang laki at sobra sa timbang na mga firecracker at pyrotechnic device imported man o gawang-lokal.
Layunin ng PNP na maiwasan ang fire related incidents sa bansa kung saan, mas mainam kung gagamit na lang ng pailaw at torotot sa bagong taon.
Sa ngayon, tumaas pa ang presyo ng produkto ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan dahil sa kakaunting suplay matapos magbawas ang mga manufacturer sa kanilang produksiyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero