Inisyu rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang Resolution No. 10741 para sa pagkakaroon ng mga COMELEC checkpoints sa 2022 National and Local Elections.
Ito ay upang epektibong maimplementa ang firearms ban at matiyak ang tamang pagpapatupad ng search and seizure procedures sa COMELEC checkpoints nang hindi nalalabag ang civil, political at human rights.
Sa ilalim ng resolusyon, kailangang mayroong kahit isang checkpoint sa bawat lungsod o munisipalidad.
Ang karagdagang mga checkpoint na babantayan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa labas ng mga siyudad o munisipalidad ay dapat na naipaalam sa mga election officer ng COMELEC na mayroong kontrol sa kanilang lokalidad.
Required ang pagkakaroon ng maayos na ilaw at pananamit sa mga checkpoint.
Ayon pa sa COMELEC, tanging ‘visual search’ ang papayagan at hindi required ang pagbubukas ng mga glove compartment, trunk o mga bag.