Itinakda na ng Commission on Elections (COMELEC) sa January 14, 2022 ang preliminary conference sa petisyon ng Pudno Nga Ilokanona humihiling na ipa-diskwalipika si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa 2022 Presidential Polls.
Sa apat na pahinang summons, ipinag-utos ng COMELEC ang pagsasagawa ng virtual hearing simula alas-10 ng umaga at tututok sa pitong mahalagang issue.
Kabilang dito ang pagpapalabas ng isang special power of attorney at pagkukumpara ng orihinal o certified true copies of documents at physical documents.
Ayon sa poll body, ilan din sa mga tatalakayin ang pagpapa-simple sa mga issue at pagtatakda ng period para sa submission ng memoranda.
Isasagawa naman ang submission ng memoranda bago mag-Enero a-14.
Samantala, inatasan ng COMELEC ang kampo ni Marcos na maghain ng beripikadong tugon sa petisyon sa loob ng “non-extendible period” na limang araw matapos matanggap ang kautusan.