Dalawang silver medals ang sinungkit ng dalawang filipina karatekas sa 2021 Asian Karate Championships sa Almaty, Kazakhstan simula December 20 hanggang 22.
Napasakamay ni Junna Tsukii ang pilak matapos mahulog sa home bet na si Moldir Zhangbyrbay sa finals ng female-50 kilogram.
Silver din ang kinubra ni Jamie Lim sa 61 kilogram category matapos matalo kontra kay Sarah Alameri ng United Arab Emirates sa finals.
Sina Tsukii at Lim ay kapwa gold medalists sa 2019 Southeast Asian Games.
Naghahanda ang dalawa para sa May 2022 Hanoi Sea Games.
Nag-uwi naman ng bronze medal sa senior kata female ang isa pang pambato ng Pilipinas na si filipino-japanese Sakura Alforte.