Kalaboso ang isang miyembro ng LGBT community sa Ilocos Sur, matapos mangikil sa ang isang construction worker kapalit ng hindi pagpapakalat nito ng maseselan niyang larawan.
Kinilala ang biktima na si Alyas Jestoni, habang kinilala naman ang suspek na si Alyas Samantha.
Ayon sa awtoridad, nagpakilalang residente ng ibang bayan ang 19-anyos na suspek, at sinabing namamasukan siya bilang isang kasambahay at nang magkapalagayan ng loob ay nagpalitan na ng maseselang larawan ang dalawa.
Pagkatapos nito ay doon na daw siya kinontak ng galit na nagpakilalang nobyo ng suspek at nagbanta ito na ikakalat ang kaniyang maseselang larawan at video kung hindi magbibigay ng 7,000 pesos.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay patuloy ang pangbablackmail ng suspek sa biktima, kung kaya’t nagpasya na siyang humingi na ng tulong sa mga otoridad at tagumpay na naaresto ang suspek sa isinagawang entrapment operation, kung saan kalaunan ay natuklasan kamag-anak pala ang dalawa.
Sa kabila nito desidido ang biktima na idemanda ang supek. —sa panulat ni Mara Valle