Hangad ng Philippine National Police (PNP) na magiging tahimik at mapayapa ang pagsalubong ng sambayanang Pilipino sa araw ng Pasko.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ay makaraang ihayag nito na pangkalahatang naging mapayapa ang 9 na araw ng tradisyunal na Simbang Gabi.
Ayon kay Carlos, naging mapayapa naman ang pagdaraos ng Simbang Gabi sa tulong na rin ng pamunuan ng mga Simbahan, Lokal na Pamahalaan at ng mga Civilian Volunteer.
Maayos din aniyang naipatupad ang minimum health protocols habang nasusunod din naman ang itinakdang kapasidad sa mga simbahan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)