Umakyat na sa 326 ang bilang ng mga napaulat na nasasawi dulot ng pananalasa ng Bagyong Odette
Batay ito sa pinakahuling datos ng national disaster risk reduction and management council (NDRRMC).
Mula ang nasabing bilang sa mga lalawigan ng Palawa, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental at Oriental, Cebu, Bohol, Butuan City, Bukidnon, Misamis Occidental at Oriental gayundin sa Agusan Del Sur.
Subalit nilinaw ng NDRRMC na mula sa mahigit 300 na napaulat na nasawi ay nasa 14 pa lamang dito ang nakumpirma ang pagkakakilanlan.
Habang nakapagtala ang NDRRMC ng 659 na mga napaulat na nasaktan habang aabot sa 54 naman ang patuloy pang pinaghahanap.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala sa panulat ni Airiam Sancho