Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo duterte na limitahan sa tatlo ang bilang ng supling na pwedeng ipanganak kada pamilya.
Ito’y matapos madismaya si Duterte nang bumisita ito sa kabundukan sa palawan at napag-alaman niya na may anak na higit pa sa anim na bata ang ilang pamilya sa kabila ng may mga family planning centers sa lugar.
Gayunpaman, wala pang batas mula sa kongreso o kahit anong executive order mula kay duterte na ipatutupad ang “Three Child Policy ” sa bawat pamilya.
Isa ang China sa bansang kilalang nagpapatupad ng One-Child Policy simula 1980. —sa panulat ni Kim Gomez