Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Rodirick Dizon alyas “rick”, nasa hustong gulang ng Barangay San Agustin, Pangasinan.
Nakahalata umano ang suspek na isang pulis ang kanyang katransaksyon kung saan nagresulta ito sa pagbunot ng baril sabay putok sa kausap.
Masuwerte umanong hindi tinamaan ng bala ang pulis sabay ganti ng putok sa suspek na siya nitong ikinamatay
Nakuha sa crime scene ang isang caliber 9mm pistol, limang basyo ng bala, isang plastic sachet ng shabu na may timbang na apat na gramo at halagang aabot sa labin-limang libong piso at isang motorsiklong motorstar na may plakang ca49799 na ginamit umano ng suspek. —sa panulat ni Kim Gomez