Timbog ang tatlong drug suspects, kabilang ang dalawang menor de edad, sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Muntinlupa.
Sa Brgy. Bayanan, nadakip ang 16 anyos na si alyas Dodoy at maging ang 17 anyos na si alyas Ninay kung saan nasabat mula sa mga ito ang 200 pisong buy-bust money at 17,000 pisong halaga ng umano’y shabu.
Sa isa pang operasyon sa Purok Dos sa Bayanan pa rin, timbog din sa anti-illegal drug operation ang isang Ruel Esplana, 38 taong gulang.
Nasamsam mula sa suspek ang halos dalawang gramo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 8,000 piso.