Natulungan ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagkaroon ng problema sa kaniyang amo sa Kuwait gamit ang mobile app na Abizo Ofw.
Ayon sa Abizo Ofw, hindi sinunod ng amo ni Rosalyn Sencil ang kontrata nito kaya humingi na siya ng tulong.
Ang nasabing app ay bahagi ng global monitoring pilot project ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na layuning i-monitor ang mga impormasyon ng mga OFWs tulad ng deployment location, employers, maging ang kalagayan ng mga ito.
Matatandaang noong nakaraang agosto ay natulungan din ang isa pang ofw gamit ang naturang app. —sa panulat ni Airiam Sancho