Naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang dalawang indibidwal, kabilang ang isang babae, matapos mahuling nagbebenta umano ng ipinagbabawal na droga sa Taguig City.
Sa Purok trese, Brgy. South Daang Hari, nadakip sa Oplan Galugad ang 50 taong gulang na si Renelyn Palmares kung saan nasabat mula rito ang 20,400 pesos na halaga ng hinihinalang shabu.
Nasakote naman sa buy-bust operation ang isa pang drug suspect na si Eladio Marayag sa Martinez St., Brgy. Central Signal.
Maliban sa 200 pisong buy-bust money, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang higit 17,000 pisong halaga ng umano’y shabu mula suspek na ngayo’y nahaharap sa kaukulang kaso.