Nasawi ang dalawang babaeng naglalakad sa Aurora Boulevard, Pasay City matapos ma-hit-and-run ng isang sasakyan
Ayon sa imbestigasyon, galing sa airport ang van at binabaybay ang daan patungong EDSA nang mahagip ang tatlong dalagitang naglalakad.
Patay ang isa sa mga ito habang dalawa ang sugatan.
Patuloy pa rin ang nasabing sasakyan at nabangga naman ang isa pang motorsiklo kung saan tumilapon ang sakay nito.
Kasunod nito nabangga at nakaladkad din ang isa pang babaeng naglalakad na kinilalang si Imelda.
Samantala, hindi naplakahan ang gray na van dahil hindi umano makita sa CCTV. —sa panulat ni Airiam Sancho