Hindi pa inirerekomenda ng OCTA Research Group ang pagbabalik ng pagsususot ng face shield.
Ito’y kahit pa may nakitaan ng bahagyang pagtaas sa covid positivity rate sa bansa bunsod ng banta ng omicron variant.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, susuportahan lamang nila ang pagsusuot ng face shield kung mayroong pagsirit ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Dagdag ni David, hindi pa naman napapanahon ang pagbabalik ng pagsusuot ng face shield.
Malayo pa aniya ang Pilipinas para masabing nakasailalim ito sa seryosong Covid-19 surge.