Sapat ang supply ng langis sa lalawigan ng Cebu ngayong holiday season.
Ito ang inihayag ni Regional Development Council-7 Head Kenneth Cobonpue matapos aniyang tiyakin ng Petrol at Shell na ang kanilang buffer inventory ay kayang mag-supply ng hanggang labinlimang araw.
Sinabi pa ng opisyal na hindi pa kasama rito ang mahigit tatlong milyong litro ng petrolyo na dumating sa Cebu nitong nakalipas na dalawang araw.