Tinatayang nasa 43,339 outbound passengers at 34,150 inbound passengers ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa PCG, malaki naman ang nabawas sa bilang ng mga paalis na pasahero nitong Disyembre 25 kumpara sa bilang bago ang kapaskuhan habang nasa 45% din ang ibinaba ng inbound passengers. Sa labinlimang distritong sakop ng pcg, sinasabing nakapag-inspeksiyon ito ng 710 vessels at 710 motorbancas.
Matatandaang dahil sa inaasahang buhos ng mga pasahero, inilagay ng ahensya sa ‘heightened alert’ ang lahat ng mga sangay nito mula December 16, 2021 hanggang January 5, 2022.