Umakyat na sa 389 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC.
Nabatid na karamihan sa mga pumanaw ay mula sa Central Visayas partikular sa Cebu at Bohol.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, kung may iniwang aral ang nagdaang bagyo ito’y aniya’y dapat siguraduhin na makapagtayo na ng matatag na istruktura upang maiwasan ang matinding sakuna sa hinaharap.
Samantala, pumalo na sa mahigit 1,140 habang nasa 64 na indibidwal ang patuloy pa ring pinaghahanap, isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyo. — sa panunulat ni Joana Luna