Aabot na sa P130M ang halaga nang naipabot na tulong ng DSWD sa mga nasalantang residente ng bagyong Odette.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, na naihatid sa mga residente ang mahigit P99M na food items at non-food items, at karagdagang 30 million pesos worth ng assistance para sa local government units.
Inamin din ni Dumlao na wala pang tulong pinansiyal na maipapamahagi sa mga nasalantang residente
Kasabay nito, tiniyak niya na pinabibilis na ng ahensiya ang pagpapalabas ng tulong upang makapagsimula muli ang mga ito. — sa panunulat ni Joana Luna