KINILALA ng Department of Science and Technology (DOST) at Filipino Inventors Society Producer’s Cooperative (FISPC) ang mahalagang ambag ni Pilipino Star Ngayon (PSN) veteran reporter Mer “Ang Magsasakang Reporter” Layson sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa mga kababayang Pilipino ngayong panahon ng Pandemya. Ang pagkilala at pagbibigay ng award kay Layson ay ginanap kamakailan kasabay ng pagdiriwang ng 2021 National Inventor’s Week sa DOST main office sa Taguig City na dinaluhan nina Sec. Fortunato Dela Pena, Undersecretary Engr. Sancho Mabborang, Dir. Jose Patalinjug III, Region 2 officials, Ka Popoy Pagayon Chairman ng FISPC at mga opisyal at miyembro ng FISPC at marami pang iba. Taos-puso naman ang pasasalamat ng Magsasakang Reporter sa pamunuan ng DOST at FISPC. Ayon kay Layson, alay niya sa kanyang pamilya, readers at viewers ang award at pagkilala sa kanya ng DOST at FISPC. “Nais kong magpuri sa Panginoon Jesus dahil sa kaloob niyang mga biyaya, gabay, grasya at pagpapala” ani Layson.