Ipinag-Utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng Service Recognition Incentive sa mga empleyado ng gobyerno na may uniform rate na P10K.
Ito’y bilang pagkilala sa lahat ng public servants sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa paghahatid serbisyo sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad.
Sa Administrative Order 45, kabilang sa mga makatatanggap ng nasabing halaga ang mga civilian personnel na regular, contractual o nasa casual positions, personnel na nananatili sa government service as of November 30;
Personnel na mayroong kabuuang apat na buwang satisfactory service as of November 30 at mga nasa ilalim ng alternative work arrangements na itinatakda ng Civil Service Commission;
Mga empleyado na hindi nakatanggap ng kahit na anong year-end benefit ngayong 2021 na otorisado sa ilalim ng christmas bonus, na inamiyendahan ng RA 8441;
Kahit ang mga hindi pa umaabot ng apat na buwan ang satisfactory service as of November 30 ay entitled naman sa prorated share ng S.R.I. —sa panulat ni Drew Nacino