Ipatutupad na simula ngayong araw ang batas na nag-aatas sa mga tobacco company na maglagay ng graphic health warning sa mga cigarette pack.
Ayon kay New Vois Association of the Philippines President Emer rojas, inaasahan nilang tatalima ang mga tobacco manufacturers sa Republic Act 10643 na nangangahulugang iligal ang paglalabas ng mga produktong walang graphic warning.
Isang taon anya ang ibinigay ng Department of Health sa mga kumpanya upang mag-comply sa paglalagay ng template na inissue ng kagawaran noong November 4, 2014.
Kabilang sa template ang mga larawan ng mga taong na-stroke, nagkaroon ng emphysema, mouth cancer, throat cancer at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo upang hindi na ma-engganyo ang mga nagbibisyo na bumili at mabawasan ang mga nagkakasakit.
Ang mga picture warnings ay dapat nakalagay sa ibabang bahagi ng harap at likuran ng mga kaha ng sigarilyo habang ang karagdagang babala ay nasa ibabaw lamang ng pack.
By Drew Nacino