Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroon ng clustering ng water-borne diseases sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang sa mga tinukoy ni Duque ang Siargao, Surigao del Norte; Dinagat Islands at Cebu Province.
Tiniyak naman ni Duque na tinutugunan na ng Department of Health ang lahat ng pangangailangan ng mga biktima gaya ng pagpapadala ng medical supplies. —sa panulat ni Drew Nacino