Inihayag ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ng pang-apat na nagka-Omicron variant case.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakasailalim na ngayon ang naturang mga pasyente at lahat ng mga close contact nito ay naka-isolate na rin.
Isang 38-anyos na babae ang pang-apat na kaso ng Omicron variant mula sa Amerika .
Lulan ng Philippine Airlines Flight PR127 na dumating sa Ninoy Aquino International Airport noong December 10.
Sa ngayon, patuloy nilang hinahanap ang mga close contact ng mga nasabing pasyente.