Tatlong araw bago ang pagpasok ng taong 2022, umakyat na sa 23 ang firecracker-related injuries.
Sa datos ng DOH Fireworks-Related Injury Surveillance report, ang nasabing bilang ay 92% mataas kumpara noong isang taon at 64% mababa sa 5-year average na 65 cases sa kaparehong panahon.
Wala namang naitalang fireworks ingestion, stray bullet injury o namatay.
Pito sa mga kaso ay kailangang putulan ng daliri o kamay habang labing-isa sa mga kaso ay hindi naman kina-kailangang putulan.
Karamihan sa mga nagdulot ng injuries ay boga, five-star, piccolo, trianggulo, whistle bomb at baby rocket. —sa panulat ni Drew Nacino