Ni-re-reconcile na ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang P545M na utang sa pitong ospital sa Iloilo City na planong kumalas sa state health insurer sa January 2022.
Ipinaliwanag ni PHILHEALTH Spokesperson Shirley Domingo na isinama ng mga ospital ang denied claims sa payables, na hindi maaaring bayaran maliban na lamang kung i-re-refile ito.
Umaasa anya sila na kikilalanin ang reconciliation sa nasabing halaga at uusad upang maayos na ang gusot.
Una nang ibinunyag ng pitong ospital na balak ng mga ito na putulin ang kanilang ugnayan sa PHILHEALTH dahil sa balanse nito.
Ang mga nabanggit na pagamutan ay ang Iloilo Mission Hospital, st. Paul hospital of Iloilo, Iloilo Doctors’ Hospital, Medicus Medical Center, the Medical City of Iloilo, Qualimed Hospital-Iloilo, Metro Iloilo Hospital at Medical Center Incorporated. —sa panulat ni Drew Nacino