Pinapayagan na muli ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang open-pit mining sa bansa, matapos ang apat na taong ban dito.
Nakapaloob sa DENR Administrative Order No. 2021-40 na inisyu nitong December 23, na pwede na muli ang pagmimina ng copper, gold, silver at complex ores.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, makatutulong sa ekonomiya ang pagpapasigla sa naturang industriya at mabibigyan nito ng trabaho ang mga nasa rural areas.
Sinabi naman ni Mines and Geosciences Bureau Director Wilfredo Moncano, nasa apat na proyekto ang nakahanda nang magpatuloy matapos alisin ang ban.
Matatandaang ipinagbawal ito ng yumaong si Environment Secretary Gina Lopez noong 2017 dahil nakakasira ito sa kalikasan.