Karagdagang 367,380 doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan ang dumating sa bansa kagabi.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa, mahigit 205 million doses na ng iba’t ibang brand ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas.
Aniya, mahigit 59 doses na ng Pfizer vaccine ang dumating sa bansa kung saan 39 million dito ay binili ng pamahalaan habang 20 million naman ay donasyon ng iba’t ibang bansa.
Bilang paghahanda naman sa posibleng surge ng Omicron, sinabi pa ni herbosa na mahigpit na tinututukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster doses at second doses sa eligible population.