Isasagawa na ngayong araw ng Commission on Elections (COMELEC) ang mock elections sa 34 na barangay sa bansa.
Magsisimula ang mock polls alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa National Capital Region, Isabela, Albay, Negros Oriental, Leyte, Maguindanao at Davao Del Sur.
Batay sa datos na inilabas ng poll body, tinatayang aabot sa 22,476 ang lalahok sa mock elections.
Paliwanag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, hindi sila naghahabol ng mataas na turnout ng lalahok sa Nationwide Mock Elections sa halip ay nais nilang makita kung papaano ang magiging performance ng sistema sa halalan.