Habang papalapit ang bagong taon, naging mas mabenta pa ngayon ang mga bilog na prutas sa ilang pamilihan kabilang na ang Quiapo, Marikina, Pasig, Divisoria at Balintawak Market.
Patok sa mga mamimili ang ibat-ibang klase ng prutas kabilang na ang ubas, orange, apple, kiat-kiat, pakwan at iba pa.
Sa kabila nito, umaaray naman ang mga mamimili dahil sa patuloy na tumataas na presyo ng mga bilihin sa mga prutas sa mga pamilihan.
Tradisyon o nakaugalian na kasi ng mga pinoy ang paghahain ng labing dalawang bilog na prutas na sinasabing pampa-swerte umano sa pagpasok ng bagong taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero