Sinusuri na ng Philippine National Police ang video na inilabas ng mga nagpakilalang miyembro ng Abu Sayyaf group kung saan ipinapakita ang mga biktima ng Samal kidnapping habang nanawagan ng P4 Billion ransom kapalit ng kanilang kalayaan.
Ayon kay PNP PIO Chief Police Chief Supt Wilben Mayor, ipinasa ng anti-kidnapping group ang nasabing video sa anti cyber crime group sa kampo krame upang mabusisi ng maigi at malaman kung authentic ba ito.
Pero, bago pa man lumabas ang ikalawang video ay natapos na ng pnp ang pagsusuri sa unang video na inilabas noon ng mga nagpapakilalang miyembro ng abu sayyaf kung saan makikita rin ang mga biktima ng samal kidnapping na humihingi ng tulong.
Gayunman, tumanggi si Mayor na ilahad ang resulta ng kanilang pagsusuri sa unang video dahil na rin sa nagpapatuloy pa nilang operasyon upang masagip ang mga bihag.
By: Meann Tanbio I Jonathan Andal