Dinepensahan ni Secretary Francisco Duque III ang pasya ng Department of Health na hindi na mag-post ng daily Covid-19 reports sa social media simula sa Enero upang tumutok sa qualitative at situational reports sa website nito.\
Tiniyak ni Duque sa publiko na magbibigay ang DOH. Ng mas maraming analysis at situational reports sa daily COVID-19 report, na mas madali umanong maiintindihan.
Pag-iisahin na lamang anya ang case bulletin at situational report, pero mas magiging qualitative ito o hindi lang puro numero.
Base sa DOH, magbibigay pa rin ito ng daily case updates sa website nitong www.doh.gov.ph/covid19tracker kada alas-kwatro ng hapon simula sa enero a-uno ng susunod na taon.
Naglalaman din ang public tracker ng detalyadong impormasyon sa Covid-19 case bulletin at daily situational report.
Isasama naman ang iba pang updates at impormasyon sa iba pang programa ng kagawaran gaya ng anti-firecracker drive at vaccination campaign sa bansa.