Inasahan na umano ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng Covid-19 cases matapos luwagan ang restrictions o alert level sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang muling paglundag ng kaso ay dahil sa holiday-related mobility at pagiging kampante sa minimum public health standards.
Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na patuloy na binabantayan ang sitwasyon kahit hindi pa matiyak kung ang omicron variant ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso.
Nananawagan naman ang DOH Official sa publiko at mga Local Government Unit na tiyaking naipatutupad ang mga health protocol.