Nasa halos limang bilyong piso halaga ang inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) bilang tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyong Odette.
Isinagawa ito matapos ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapamigay ng limang libong piso na ayuda sa kada pamilya na sinalanta ng bagyo.
Makakakuha ng mahigit isandaang milyong piso ang rehiyon ng MIMAROPA habang nasa isa punto anim na bilyon ang ibibigay sa Region 65.
Habang makatatanggap ng higit isang bilyong piso ang Region 7 , siyam na raang milyong piso sa Region 8, 156 million sa Region 10 at Region 8 na mayroong walong daang milyong piso.
Samantala, ipamamahagi ang mga nasabing halaga sa mga mamamayan na apektado ng naturang kalamidad.