Ikinabahala ng OCTA Research group ang muling pagtaas ng positivity rate sa Pilipinas.
Ayon sa OCTA, maaari pa aniya makapagtala ng nasa dalawanlibong bagong kaso ng COVID araw araw pagkatapos ng bagong taon.
Ipinabatid naman ni Molecular Biologist Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA, ang naturang pagtaas ay dahil umano sa holiday-related mobility at partial public compliance sa minimum health protocols.
Aniya, kung wala aniyang Omicron transmission, posibleng bumaba ang kaso sa unang quarter ng 2022.