Papatayin ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG ang 3 dayuhan at 1 Pinay kapag hindi naibigay ang hinihingi nilang 3bilyong pisong ransom money.
Sa isang video, ipinakita ng mga rebelde na buhay pa ang mga Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall, Pinay girlfriend nito na si Maritess Flor, at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.
Nakiusap naman sina Ridsdel at Hall sa Canadian government na bayaran ang ransom at iligtas ang kanilang buhay.
Ayon naman kay Sekkingstad, dapat seryosohin ang demand ng mga kidnapper dahil mapanganib ang mga ito.
Matatandaang dinukot ang mga biktima noong September 21 mula sa Holiday Ocean View Resort sa Samal Island, Davao del Norte at dinala sa Sulu.
Wala namang ibinigay na deadline ang Abu Sayyaf sa pagbabayad ng ransom money.
By Jelbert Perdez