Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang anak nito matapos pagsasaksakin sa Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na Sina Eden Salen Clacio, 46-anyos at ang anak niyang si alyas ‘nadya’, 13-anyos.
Nadatnan ng mga pulis ng labo na naliligo sa sariling dugo at patay ang biktima habang sugatan ang anak nito na dalagita matapos pasukin sa kuwarto at pagtatagain ng hindi pa nakikilalang lalaki.
Hindi naman napaano ang isa pang anak ni Clacio na si alyas ‘joel’, 11-anyos.
Samantala, patuloy naman ang pagiimbestiga ng mga otoridad sa puno’t dulo ng krimen at paghahanap ng lead kung sino ang may kagagawan nito. —sa panulat ni Mara Valle